Nung makilala ko siya, hindi talaga siya ang type kong lalaki. Suplado siya at hindi pala-ngiti sa mga babae. Yes, hindi siya yung tipo ng lalaki na lalapit sa babae para mang-asar at makipaglandian. Yun ang pagkakakilala ko sa kanya.
Nung una ko siyang makita, sabi ko sa sarili ko, ‘ang loner naman ng isang ‘to’. Pero nung magkakilala kami, mas matindi pa pala dun ang malalaman ko. Prangka siya. Sasabihin niya ang gusto niya ng diretsahan kung gusto niya. Wang pero-pero. Wala siyang pakialam kung masaktan niya ‘yong babae o hindi basta nasabi niyang, pangit yan, pangit talaga yan. Hindi niya binabawi ‘yon. Bahala na si batman.
Pero nung naging close kami, nagbago siya. Lagi siyang malambing at nakikipag-asaran. Lagi na siyang pumapasok. Lagi niya akong itinetext. At hanggang ngayon, hindi ko malilimutan ang pagbabago na ‘yon sa kanya.
(Source: shewritesaboutyourstory)
— One night, one day.
Magkasama kami kagabi, at kaninang umaga. Masarap sa pakiramdam na bago ka pumasok sa trabaho, baon mo ang mga halik niya. Ang boses niya ‘yong naririnig mo. ‘Yong sweetness at pag-papaalala niya ang nagiging motivation mo para hindi makatulog sa trabaho. Tapos, pag-out mo sa umaga, sasalubungin ka kaagad ng text na, ‘daan ka muna rito sa bahay ni lola. Dito ka muna magpahinga.’
So eto, gabi na nga to kaya ang dilim ng background namin.

Mas vain pa sa akin ang lalaking ito. Isa ‘to sa mga dahilan kung bakit tuwang-tuwa ako sa kanya. Hindi kasi ako nag-iisa pag gusto ko magpicture. Pag hindi ko siya isinasali sa picture, nagtatampo ‘yan. Sasabihin niya na parang hindi raw siya nag-eexist kasi hindi siya kasali. HAAHA.
Kumain pa kami sa CHIC-BOY. Bottomless iced tea dun eh. XD CM-1 order ko tapos siya, pinanood lang akong kumain. Ayaw daw niya kasing manaba. Naiintindihan ko naman siya. Natatakot kasi siyang iwan ko raw siya pag tumaba na siya. Hello? Mas masarap nga ‘yong marami akong napipisil e. HAAHA. May unan na ako, may kama pa, may boyfriend/asawa pa!
Mahal na mahal ko yang lalaki na yan.
/Upload na lang ako ng photoset for our pictures.
(Source: shewritesaboutyourstory)
Maganda talaga yung narealize ko bilang isang lalaki, I must be strong to have you and our relationship better, diba? I don’t want you to be bored in our relationship.
Siya
(Source: shewritesaboutyourstory)
Nahalungkat ko sa album ng kaklase ko. Hanggang ngayon naghahanap pa rin ako ng mukha ko sa albums nila sa facebook. Hahaha. Kalat-kalat ang mukha ko eh. Meron pa nga ata akong hindi friends sa facebook na nagpapicture sa akin noon. HAHAHA. Looser me, hindi ko sila kilala by name. Lol.
(Source: shewritesaboutyourstory)
Just because you say it’s nothing, doesn’t make it so. Just because it’s not what it looks like, doesn’t mean that it’s not something.
49 days (via xxxapplepiexxx)
Siya ang isa sa mga hinahangaan ‘kong male writer sa wattpad. Exceptional ang mga sinulat niya. Maiiyak ka, matatawa, kikiligin at maiinspire ng todo-todo sa buhay. Mararamdaman mo na buhay na buhay ang mga karakter niya. Ang bawat pangyayari, hindi mo masasabing galing lang sa malikot na isipan niya o produkto lang ng imahinasyon. Alam mo kung bakit? Kasi halos lahat totoo. Sabi niya, 50% daw ay totoo sa mga sinusulat niya. Naniniwala ako ron. Sobrang lawak ng imagination nitong si kuya Migs. At isa pa, marami na siyang experiences kaya sobrang effective ng mga story niya. Kung naghahanap ka ng isang kwento na hindi puro romance, inirerekomenda ko ang mga istorya niya. Pero kung ayaw mo sa mga pormal na katha, ayaw mo sa mga malalalim na salita, hindi ito para sa’yo. Pero kahit ata sino, mababago ang pananaw at maiinspire na tangkilikin ang Filipino fiction pag nabasa ang mga isinulat niya eh.
Yang nasa picture na ‘yan ay comment niya sa Trap With You ‘ko. Hindi ko lubos akalain na magcocomment siya ng ganyan. Dahil nga kasi inspired ako sa mga kwento niya, idinedicate ko sa kanya ang kwento na ‘yon. Hindi ko inexpect na mapapansin niya dahil una sa lahat, marami siyang binabasa na kwento at alam kong hindi pa papasa sa standards niya ang kwento ko. Pero guess what???!! Nagustuhan niya! Hihi. Sobrang laking motivation nito sa akin!
Si Kuya Migs ay nag-aral sa UP Diliman jsyk. He’s married. May trabaho outside wattpad. Isang mabuting tao.
Wala na ata akong masasabi pa, walang sapat na salita para mailarawan ko siya. Isa siyang inspirasyon. SOBRA!
(Source: shewritesaboutyourstory)
— Hindi sapat ang makabasa ka ng isang kwento para makapagsulat ka.
Based from my experience. Hindi sapat ang makabasa ng isang istorya na naglalaman ng ilang chapters para masabi mong kaya mo nang magsulat. Maraming proseso. Hindi ibig sabihin non ay kaya mo nang paluhain, pakiligin, patawanin at i-move mula sa kinauupuan ang isang reader. Maraming pangyayari ang pagdadaanan. Kahit ako, hindi ko masasabing kaya kong gawin ang lahat ng ‘yan sa unang kwentong isusulat ko. It takes time, no, a lot of time. Dugo at pawis din ang puhunan. Hindi por que feeling mo ay inspired ka na, matatapos mo na ang isang napakagandang kwento. Kulang ‘yon. Kung walang imagination diyan sa utak mo, kung walang true events na makakainspire sa’yo, hindi ka makakagawa ng isang masterpiece.
Maraming factors ang makakaapekto sa pagsusulat. Pwedeng tao sa paligid mo, totoong karanasan at kung anu-ano pa. Aminin man natin o hindi, karamihan sa magagaling na writer ay lalaki. Hindi ko alam kung ako lamang ang nakakapansin non o meron pang iba. Meron din namang exceptional talents ang mga babae pagdating sa pagsusulat pero ibang-iba kasi ang dating pag lalaki ‘yong nagsulat e. Mararamdaman mo talaga ‘yong impact. Na pag ‘yong point of view ng lalaki ang ipinapakita, ramdam na ramdam mo talaga. O kahit sa point of view ng babae, mabibigyan talaga ng justice. Pag babae kasi ang writer, (katulad ko na isang amateur) sobrang hirap na bigyang justice ang point of view ng isang lalaki. Kaya nga madalas, third person ang gamit ko noon. Kaya ngayon, nahihirapan ako sa pagbuo ng point of view ni Aaron. Feeling ko kasi, nagiging bakla siya sa mga salita niya. Pero natural lang naman ang maging emotional. Haha. Pero yong tigas, medyo kulang.
Kung gusto mong maging writer, kung nasa puso mo ‘yon, magsulat ka ng mula sa puso mo. Hindi lang dahil nainspire ka, kundi alam mong nararamdaman mo na ito ang dapat mong gawin. Mag-share ka, mag-imagine. No boundaries. Kahit ano pwede mong isulat. Dahil sa kwento na isusulat mo, ikaw ang writer, ikaw ang masusunod, ikaw ang kokontrol maging sa reader mo. Kontrolado mo ang emosyon nila. Kung gusto mo silang patawanin sabay sa pag-iyak, gawin mo. Dahil alam mo na kaya mo ‘yon, dahil alam mong masaya ka sa ginagawa mo. Dahil alam mong buong puso mo ang nakalaan don.
(Source: shewritesaboutyourstory)
The only guy I want to share my kisses with. The only guy that will make me feel better when he hugs me. And the one that I will love and cherish ‘til my heart stops beating. Why? Because he’s the man I’m going to marry. Yeah, he’s the man, not the boy.
(Source: shewritesaboutyourstory)
Should I call this one as a date?
I really miss him. Nagpunta kami sa Mang Inasal kagabi dahil miss na miss na namin ang kumain at dahil gusto naming makasama ang isa’t-isa. At bukod don, gusto niya na ihatid ako sa work kagabi. Pinagbigyan ko siya. Miss ko na rin naman siya at behave siya ngayon. Hindi niya ako inaaway. Joke. Hahaha. Marami raw siya narealize nung hindi kami nagkikita. Kesyo dapat daw hindi niya ako tinrato ng ganon. Sa loob-loob ko, tama naman nga. Hahaha. Pero joke ulit ‘yon. Masaya ako na parehas kaming may narealize nong hindi kami nagkikita. Ngayon, mas naging strong pa kami. May isang bagay kaming mas narealize pareho.
“Hindi namin kayang iwan ang isa’t-isa, dahil mahal na mahal namin ang isa’t-isa.”
(Source: shewritesaboutyourstory)
— Magtira ka para sa sarili mo.
Lagi kong naririnig ‘to sa mga taong nakakasalamuha ko. Kailangan daw magtira para sa sarili oras na magmahal ka para hindi ka lubos na masaktan. Pero paano mo maiibigay ang tunay na pagmamahal mo kung hindi mo ibibigay ang lahat? Ano ‘yon, half lang? Hindi ka magsasakripisyo? Hindi ka iiyak? Oras na magmahal ka sa ibang tao, automatic na minahal mo na rin ang sarili mo. Dahil hindi mo matututunang mahalin ang isang tao kung hindi mo alam kung paano magmahal. Wag kang tanga. Kung magmamahal ka, wag kang maghintay ng kapalit. Ibigay mo lahat ng makakaya mo. Hindi mo alam kung kailan yan babawiin sa’yo. Hindi mo alam kung kailan matatapos ang nakakakilig na tagpo sa buhay mo. Eh ano naman kung hindi ka nagtira para sa sarili mo kung natuto ka namang magmahal ng isang tao?
Dahil ba maghihiwalay kayo? Kung totoo kayong nagmamahalan, kahit bagyo, tsunami, lindol pa ang abutin ninyo, hindi kayo mabubuwal.
(Source: shewritesaboutyourstory)